Implementasyon sa EDSA carpool lane policy, ipinagpaliban muna ng MMDA

by Radyo La Verdad | December 18, 2017 (Monday) | 3299

Hindi muna ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang car pool lane sa Edsa. Ngunit ipagpapatuloy pa rin ng dry run para sa traffic scheme hanggang sa mga susunod na linggo.

Ang car pool lane ang tawag sa fast at fifth lane sa Edsa na ang maaari lamang dumaan ay mga sasakyang may dalawa o higit pang sakay. Kung sakaling ipatupad na ito, pagmumultahin ng 500 piso ang lalabag dito.

Layon nitong mahikayat ang mga motorista na magshare na lamang ng sasakyan upang huwag sabay-sabay bumagtas sa edsa at makabawas sa mabigat na trapiko.

Ayon sa tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pialogo, hindi pa handa ang lahat ng kinakailangan ng MMDA upang maayos itong maipatupad partikular na sa monitoring ng mga sasakyang heavily tinted.

Batay sa pag-aaral ng MMDA, nasa anim na libong heavily tinted na sasakyan ang bumabaybay sa Edsa sa isang araw.

Samantala, naniniwala naman ang ilang motoristang hindi pa rin kayang ibsan ng carpool lane scheme ang matinding traffic.

Giit pa ng iba, disiplina at enforcement sa traffic regulations ang kulang sa Edsa.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,