Betrayal of public trust ang grounds ng impeachment complaint na inihian ng dating kongresistang si Jacinto Paras laban kay Comelec Chairman Andres Bautista.
Dahil ito sa umanoy mga tagong yaman ni Bautista na binulgar ng kanyang asawang si Patricia at ang hindi tamang deklarasyon nito sa kanyang Statement of Assests Liabilities and Net Worth o SALN.
Tatlong Kongresista ang nag-endorse ng reklamo, sina kabayan PL Rep. Harry Roque, Cebu Rep. Gwen Garcia at Cavite Rep. Abraham Tolentino, kapatid ng natalong senatorial candidate na si dating MMDA Chair Francis Tolentino.
Si Comelec Commissioner Rowena Guanzon pinayuhan si Bautista na magleave muna. Ang minorya naman sa Kamara pinagre-resign na si Bautista at nagbanta na haharangin nila ang pagbibigay ng pondo sa COMELEC.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: Chairman Andres Bautista, impeachment complaint, Kamara