Necrological services para sa yumaong dating Senador Jovito Salonga, isinasagawa sa Senado

by Radyo La Verdad | March 15, 2016 (Tuesday) | 1088

DARLENE_SALONGA
Dumating na ang mga labi ni dating Senator Jovito Salonga sa session hall ng Senado para sa isang necrological services ngayong umaga.

Ito’y para bigyan ng tribute at alalahanin ang mga mabubuting nagawa ni Salonga sa larangan ng public service sa bansa.

Dinaluhan ito ng mga kapamilya ng dating senador, ilang kasalukuyang senador, ilang dating senador, ilang cabinet members, at ilan pang kilalang personalidad.

Inaasahan naman na magprepresenta ng resolusyon si Senate President Drilon para parangalan ang dating senador na tinaguriang the nation’s fiscalizer.

Alas-onse y media naman bubuksan ang public viewing para sa mga labi ng dating senador at mamayang alas-onse kwarenta y singko sisimulan ang luncheon sa Senado.

(Darlene Basingan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,