Imbestigasyon at dismissal proceedings sa 5 Heneral, target tapusin sa loob ng isang buwan – NAPOLCOM

by Radyo La Verdad | July 7, 2016 (Thursday) | 989

GENERAL
Bumuo na ang National Police Commission o NAPOLCOM ng grupong mag-iimbestiga sa mga umano’y sangkot na mga Heneral sa illegal drugs.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao, tatapusin nila ang imbestigasyon sa loob ng pitong araw at ang actual summary dismissal proceedings ay maaring tumagal ng isang buwan.

Tututukan aniya ng imbestigasyon ang tatlong Police Generals na kasalukuyan pang nasa serbisyo na sina Director Joel Pagdilao, Chief Superintendents Bernardo Diaz at Edgardo Tinio.

Ang kaso naman ng retiradong heneral na si Marcelo Garbo Junior, na napabalitang nasa labas ng bansa, ay hahawakan ng Department of Justice at National Bureau of Investigation.

Ang Department of the Interior and Local Government ang hahawak sa kaso sa dating heneral at ngayo’y Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.

(UNTV RADIO)

Tags: ,