Illegally parked vehicles, hindi na hahatakin ng MMDA

by Radyo La Verdad | August 31, 2018 (Friday) | 2209

Hindi na hahatakin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga illegally parked vehicles sa mga major thoroughfare at alternative route sa Metro Manila.

Ito ay upang maiwasan na ang mga iregularidad kasunod ng mga reklamo kaugnay ng mga abusadong towing firm.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, sa halip ay pagmumultahin na lang nila ang mga may-ari ng mga sasakyang iligal na nakaparada sa Mabuhay lanes at iba pang main roads.

Tatlong violation ang maaaring kaharapin ng mga pasaway na motorista na may kaukulang multa.

 

Tags: , ,