Illegal campaign posters ng mga kandidato sa Tarlac, pinagbabaklas ng COMELEC

by Radyo La Verdad | April 5, 2016 (Tuesday) | 3537

BRYAN_OPLAN-BAKLAS
Sinuyod ng mga tauhan ng COMELEC, Philippine National Police at Bureau of Fire Protection ang kahabaan ng Mc Arthur Highway sa Tarlac City upang baklasin ang mga nakakabit na election paraphernalia.

Karamihan sa mga pinagtatanggal na posters at tarpauline ay wala sa tamang sukat at nakakabit sa mga ipinagbabawal na lugar.

Halimbawa nito ay ang mga naglalakihang tarpaulin ng mga local at national candidates na nakasabit pa sa linya ng kuryente na delikado sa mga motorista.

Mayroon ding nakapaskil sa mga tulay, poste ng kuryente, pader at mga puno na ipinagbabawal sa batas.

Ang covered court naman ng barangay na ito ay napuno rin ng posters ng mga kandidato.

Bagama’t identified ito bilang common poster area, sinabi ng COMELEC na labag pa rin sa batas ang paglalagay ng campaign paraphernalia sa mismong mga pader ng court.

Susulatan naman ng komisyon ang mga kandidato at may-ari ng bahay na naglagay ng oversized campaign materials.

Muli ring paalala ng COMELEC na hangang 2 by 3 feet lamang ang tamang sukat ng mga poster na maaaring ilagay sa private properties;

Habang 12 by 16 feet naman ang maximum board structure para sa mga common poster area.

(Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent)

Tags: , ,