Ilang tindahan ng school supplies sa Maynila, pinaalalahanan ng DTI

by Radyo La Verdad | May 13, 2015 (Wednesday) | 3338

DTI_OFFICERS_051315

Hindi nakaligtas sa isinagawang inspeksyon ng Department of Trade and Industry ang mga tindahan ng school supplies sa Recto at Divisoria.

Sinita ng DTI ang ilang tindahang napag-alamang nagbebenta ng mas mataas sa itinakdang Suggested Retail Price o SRP.

Hindi muna binigyan ng show cause order ang mga tindahan subalit binabalaan na kung mahuhuli ulit ay papatawan na ng kaukulang aksyon.

Ayon sa Department of Trade and Industry, hindi naman nagkakalayo ang presyo ng mga produktong mabibili dito sa loob ng mall sa Divisoria kumpara ng mga nagtitinda sa labas.

Ayon pa sa DTI mas maganda pa mamili dito dahil malamig at ligtas dahil mayroong security.

Ang payo naman ng DTI sa mga mamimili upang makamura bumili ng bultuhan.

Nagdikit na rin ang DTI sa mga tindahan ng gabay sa presyo ng pamimili ng school supplies batay na rin sa Suggested Retail Price.
Payo ng DTI sa mga consumer, kung makitang lagpas na sa SRP ang mga paninda agad itong isumbong sa kanilang tanggapan (Mon Jocson /UNTV News)

Tags: