Ilang stranded OFWs sa Hong Kong Airport dahil sa Bagyong Mangkhut, binigyan ng ayuda ng UNTV at MCGI

by Radyo La Verdad | September 19, 2018 (Wednesday) | 6797

Sa Hong Kong International Airport na nagpalipas ng magdamag ang mga kababayan nating na-stranded matapos na manalasa ang typhoon signal Number 10 Mangkhut sa Hong Kong nitong linggo.

Ang iba sa kanila, mga turista na first time mag-abroad sa Hongkong. Ang excitement na makapamasyal sa magagandang lugar, napalitan ng pagkadismaya dahil napilitan silang matulog at kumain sa airport.

Karamihan sa mga Filipino stranded passenger ay overseas Filipino workers (OFWs).

Tulad ni Janice Ebo, hindi siya nasabihan ng airline company na may cancellation at rebooking ng kanilang flights.

Kaya nagpasalamat sila nang magkaloob ng pantawid gutom at uhaw ang UNTV katuwang ang Members Church of God International (MCGI).

Bukod dito, tinulungan rin sila ng UNTV na mai-coordinate sa kinauukulang airline company ang kanilang mga hinaing at ginawan naman nito ng paraang maibook sila agad pabalik ng Pilipinas.

 

( Ferdie Petalio / UNTV Correspondent )

Tags: , ,