Ilang senador, nababahala sa planong pagbubuo ni Pangulong Duterte ng hit squad vs NPA sparrow unit

by Radyo La Verdad | November 28, 2018 (Wednesday) | 4059

Nababahala ang ilang senador sa planong pagbuo ni Pangulong Duterte ng hit squad laban sa sparrow unit ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Senator Antonio Triillanes IV, nais umano ng Pangulo na maghasik ng takot sa mga Pilipino. Diversionary tactic din aniya ito upang ilihis ang atensyon ng publiko sa mga misteryosong kasunduan na nilagdaan ng Pilipinas at China.

Maging si Senator Grace Poe ay nais malaman ang detalye ng sinabi ni Pangulong Duterte.

Nangangamba rin ang Department of National Defense (DND) na baka maabuso ang paggamit sa naturang grupo.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, dapat pag-aralang mabuti kung sino-sino ang magiging miyembro, sino ang mamumuno at malinaw din dapat kung sino ang kanilang target.

Ayon naman sa PNP, dadaan sa tamang proseso ang mga miyembro ng naturang grupo bago sila payagang magdala ng baril.

Aniya, kailangan ng mga itong kumuha ng license to own at possess firearms at permit to carry firearms outside of residence (PTCFOR) upang makapag-bitbit ng baril.

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,