Ilang sementeryo sa Pampanga, baha pa rin

by Radyo La Verdad | November 1, 2016 (Tuesday) | 2223

joshua_baha
Lubog pa rin sa baha ang ilang malalaking sementeryo sa Pampanga dahil sa Bagyong Karen at Lawin.

Ilan sa mga sementeryo na nanatiling lubog sa hanggang tuhod na baha ang Macabebe at Masantol cemetery.

Dahil dito ilan sa mga magtutungo sa mga sementeryong binaha ay gumagawa na lamang ng paraan para makapagtulos ng kandila sa mga puntod ng kanilang yumaong mga mahal sa buhay.

Sa ngayon, mahigpit na ang ipinatutupad na seguridad sa may mahigit na limang daang sementeryo sa Central Luzon dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao dito.

Tags: ,