Ilang Residente sa Marawi City, may takot pa rin sa banta ng terorismo, 1 taon matapos ideklarang liberated na ang lugar

by Radyo La Verdad | October 18, 2018 (Thursday) | 41817

Isang taon na ang lumipas mula ng ideklarang malaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Marawi City matapos mapatay ang ISIS leader na si Isnilon Hapilon noong ika-17 ng Oktubre 2017.

Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa ilang mga residente ang pangamba na maulit ang kanilang sinapit sa kamay ng mga terorista, bagaman ngayon ay tahimik na ang kanilang lugar.

Sa ngayon ang hiling ng ilang mga residente, makaalis na sila sa evacuation center at makabalik na sa kanilang tahanan.

Ayon sa Taskforce Bangon Marawi, sisimulan na ngayong buwan ang debri clearing sa most affected area.

Inaasahang bago matapos ang buwan ng Oktubre maisasakatuparan na ang ground breaking ceremony ng rehabilitasyon na pangungunahan ni Pangulong Duterte, matapos ang ilang beses na pagkakaantala.

Hindi naman nalilimutang magpasalamat ng lokal na pamahalaan ang pagtulong sa kanila, subalit aminado ito na naiinip na rin sila sa mabagal ng pag-usad ng rehabilitayson.

Sa ngayon, karamihan sa mga residente ng Marawi ay unti-unti ng bumabalik sa normal ang kanilang buhay.

Maging ang kani-kanilang mga negosyo partikilar sa Brgy. Basak Malutlut kung saan unang sumiklab ang giyera noong Mayo 2017.

 

( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,