Ilang pre-qualifiers, nabuhayan ng pag-asa sa pagkakaroon ng singing career sa pamamagitan ng WISHcovery

by Radyo La Verdad | August 16, 2017 (Wednesday) | 2169

Hindi biro ang pinagdadaanan ng ilan sa mga WISHcovery pre-qualifier sa pagtupad sa kanilang mga pangarap. Kaakibat ng matinding pagsisikap ay ang ilang ulit na kabiguan.

Maraming beses nang sumali ng singing competition ang 29-year old events singer na si Dennis Santos. Ngunit dahil sa madalas na pagkakataon na siya ay natatalo, nakaramdam siya minsan na isuko ang pangarap na makilala sa larangan ng pag-awit. Kaya naman biyaya para sa kanya na mapabilang sa mga pre-qualifier ng WISHcovery.

Kagaya ni Dennis, suki rin ng mga audition at singing contest ang 24-year old working student na si Lester Dalida. May panahon ding pinanghinaan siya ng loob dahil tila mailap sa kanya ang pagkakataong maabot ang pangarap.

Umaasa sina Dennis at Lester na maipagpapatuloy ang kanilang WISHcovery journey at makasama sa top 20 qualifiers na siyang magkakaroon ng pribilehiyo na makaawit sa loob ng nag-iisang Fm booth on wheels, ang WISH bus.

 

(Leslie Longboen / UNTV Correspondent)

Tags: , ,