Ilang Pilipino nahuli sa America sa project shadowfire

by Radyo La Verdad | March 30, 2016 (Wednesday) | 1958

POLICE
Nakikipag ugnayan na ang embahada ng Pilipinas sa Amerika sa United States Immigration kaugnay ng pagkakahuli sa ilang Pilipino sa tinawag na project shadowfire.

Ang project shadowfire ay isang malawakang operasyon ng U.S Immigration sa iba’t ibang bahagi ng Amerika laban sa mga transnational criminal organizations sa bansa na may kaugnayan sa drug trafficking, murder at racketeering.

Mahigit isang libo ang inaresto sa five-week operation na isinagawa ng Immigration and Customs Enforcement’s Homeland Security Investigations Division kabilang na dito ang ilang Pilipino.

Ngunit tumanggi munang magbigay ng pangalan ng mga naaresto ng I.C.E dahil umano sa security concerns.

(UNTV NEWS)

Tags: