Nagpatupad kahapon ng balasahan ang PNP sa ilang opisyal nito sa Metro Manila.
Ginawang OIC ng Taguig City Police si Senior Superintendent Alex Santos na mula sa Region 3.
Ang dating Taguig Police Chief naman na si Senior Superintendent Allen Ocden ay inilipat sa Muntinlupa City.
Mula sa Navotas dinala naman sa Muntinlupa Police Station si Senior Superintendent Dante Novicio.
Si Senior Superintendent Larry Coop na mula sa Pasay Police ang mamumuno ngayon sa San Juan City Police.
Bukod sa mga ito, tatlong iba pang opisyal ng NCRPO ang inilipat ng pwesto.
Ang reshuffle ay ipinatupad kasunod ng pagreretiro ng ilang senior officers ng NCRPO.