Ilang mga OFW na naipit sa kaguluhan sa Yemen, dumating na sa bansa

by Radyo La Verdad | April 14, 2015 (Tuesday) | 978

ofw-in-yemen
Nasa bansa na ang 5th batch ng mga Pilipino mula sa Yemen na sumailalim sa repatriation program ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon kay OIC Yolly Peñaranda ng Repatriation Assistance ng OWWA- DOLE, dumating ang 78 OFWs kasama ang dalawang bata sa NAIA terminal 2 kaninang alas 9:15 ng umaga.

Ang repatriation ay bunsod ng nangyayaring kaguluhan sa Yemen na itinaas na sa alert level 4. Sa kabila nito ay wala namang naiulat na nasaktan o nasawi na mga OFW roon.

Sinabi pa rin ng OIC na hindi dapat mangamba ang mga umuwing OFW dahil nakahanda ang Assist WELL program o ang Welfare, Employment, Legal assistance and Livelihood program ng OWWA at DOLE upang magbigay ng ayuda sa kanila.(Meryll Lopez,UNTV Radio Correspondent)