Ilang mataas na opisyal ng pamahalaan, padrino umano ng ilang tiwaling pulis na nais bumalik sa serbisyo – DILG Sec. Mike Sueno

by Radyo La Verdad | February 6, 2017 (Monday) | 1065


Aminado si Interior and Local Government Sec. Ismael Mike Sueno na may ilang mataas na opisyal ng pamahalaan na nagpapadrino sa mga pulis na may kaso.

Gayunman, ayaw niyang pangalanan sa ngayon kung sino ang mga naturang personalidad na ang iba ay personal pa niyang kakilala.

Tiniyak naman ng kalihim na wala sa mga ito ang pinagbigyan niya alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Duterte na huwag nang ibalik sa serbisyo ang mga pulis na naharap sa kaso.

Naging mahigpit si Pangulong Duterte at Chief PNP PDG Ronald Dela Rosa sa reinstatement ng mga pulis matapos mainvovle sa kasong pagpatay at kidnaping si SPO3 Ricky Sta. Isabel na naabswelto sa kasong kidnaping at nakabalik sa serbisyo.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,