Ilang mahistrado ng Korte Suprema, nanawagan kay CJ Sereno na humarap sa impeachment court

by Radyo La Verdad | December 12, 2017 (Tuesday) | 3619

Hindi umano ipinaaalam ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Supreme Court en banc ang nilalaman ng mga sulat ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na humihiling na agad ilipat ang pagdinig ng Maute cases dahil sa isyu ng seguridad.

Inako ni Cj Sereno ang paghawak sa kaso ng Maute at hindi na isinalang sa raffle, ito ang inihayag ni Associate Justice Noel Tijam sa pagharap nito sa pagpapatuloy ng impeachment hearing laban sa punong mahistrado kahapon.

Ayon naman kay Associate Justice Leonardo de Castro, labag umano ito sa rules.

Maging ang isyu sa pagbibigay ng benepisyo ng mga retiradong justice at judge sa bansa, hindi rin agad nalaman ng en banc kaya inabot ng dalawang taon sa special committee at technical working group na itinatag nito. Panawagan ni Justice Tijam kay CJ Sereno, humarap sa impeachment court. 

Samantala, pansamantala nang tinapos ng impeachment court ang pagdinig ngayong taon para sa session break at itutuloy na lamang itong muli sa January 14.

 

( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,