Ilang mahahalagang panukalang batas, tatalakayin sa pagbabalik-sesyon ng Kamara ngayong araw

by Radyo La Verdad | November 20, 2017 (Monday) | 3825

Balik-sesyon na ang mababang kapulungan ng Kongreso ngayong araw. Kasama sa prayoridad na magawa ng mga mambabatas ang pagpapatuloy ng impeachment hearing ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno kung saan personal itong pinadadalo ng mga kongresista.

Tatalakayin din ang tungkol sa umanoý stock trading sa Social Security System o SSS. Gayundin ang nangyaring aberya sa mga tren ng Metro Rail Transit o MRT.

Nakaantabay din ang Kamara sa pagpapasa ng senado ng general appropriations bill o ang panukalang pondo ng bansa para sa susunod na taon para sa gagawing bicameral conference at ratipikasyon nito bago matapos ang taon.

Tags: , ,