Ilang lugar sa NCR at Cavite, mawawalan ng suplay ng tubig mula March 20 -27

by Radyo La Verdad | March 20, 2023 (Monday) | 553

METRO MANILA – Makararanas ng mahina hanggang sa pagkawala ng supply ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila at Cavite.

Ayon sa Maynilad ito ay bunsod ng isasagawang scheduled maintenance activities mula March 20, ngayong araw hanggang March 27, 2023.

Kabilang sa mga apektado ay ang ilang barangay sa Quezon City, Caloocan City, Navotas City, Bacoor at Imus City sa Cavite.

Isasagawa din ang maintenance sa hating gabi hanggang madaling araw kinabukasan.

Para kabuoang listahan ng mga barangay na apektado ng water interruption, maaaring bisitahin ang website na mayniladwater.com.ph.