Ilang lugar sa Metro Manila at Bulacan, mawawalan ng tubig simula mamayang gabi

by Radyo La Verdad | April 6, 2017 (Thursday) | 2549


Makararanas ng water service interruption sa ilang lugar sa Bulacan, Valenzuela, Caloocan at Quezon City.

Batay sa abiso ng Maynilad, ito ay dahil sa gagawing repair ng nasirang balbula ng five-foot line sa bahagi ng General Luis Street, Novaliches Quezon City.

Magsisimula ang water service interruption mamayang alas-otso ng gabi hanggang ala-singko ng madaling araw ng Sabado
kabilang sa mga apektado ay ang Meycauayan at Obando Water District sa Bulacan;

Sa Quezon City naman, apektado ang Capri, Gulod, Nagkaisang Nayon, North Fairview, Novaliches Proper, San Agustin at Santa Monica.

Samantala makararanas din ng water interruption ang Barangay 165 hanggang Barangay 167 sa Caloocan City at lahat ng barangay sa Valenzuela City.

Pinapayuhan ang mga apektadong residente na mag-ipon ng tubig.

Tags: , , ,