Ilang lugar sa Caloocan, Navotas, QC walang tubig sa May 15 to May 22 – Maynilad

by Radyo La Verdad | May 15, 2023 (Monday) | 980

METRO MANILA – Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang lugar sa mga lungsod ng Caloocan, Navotas, at Quezon City mula May 15, ngayong araw hanggang May 22.

Batay sa anunsyo ng Maynilad Water Services, Inc. ito ay dahil sa isasagawang maintenance sa west zone.

Magsisimulang mawala ang supply ng tubig sa ilang bahagi ng Caloocan City mamayang alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Alas-11 rin ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw sa Navotas City.

Habang sa ilang lugar sa Quezon City ay mula alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.

At mayroon ding mula alas-11 ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw.

Payo ng Maynilad sa mga apektadong customer, mag-imbak ng sapat na tubig para sa kabuoan ng water service interruption.

Nakahanda na rin ang mga water tanker upang maghatid ng tubig sa mga apektadong lugar kung kinakailangan.