Ilang local businessman sa Davao Region, nabiktima umano ng extortion ng ilang nagpakilalang miyembro ng NPA

by Radyo La Verdad | December 21, 2016 (Wednesday) | 1089

victor_gaerlan
Dumulog na mismo sa hepe ng Police Regional Office 11 ang ilang local businessmen sa Davao Region upang isumbong ang diumano’y pananakot ng ilang armadong lalaki.

Banta ng mga ito, peperwisyuhin sila kung hindi magbibigay ng pera.

Ayon sa hepe ng Davao Region Police, nagpakilalang mga miyembro ng New People’s Army ang mga armadong nangingikil sa mga negosyante.

Apela ng pulisya sa iba pang mga negosyante na nabibiktima ng extortion activities ng ilang armadong grupo, isumbong sa kanila ang mga ito upang mabigyan ng kaukulang aksyon.

Mas pinaiigting din ng PNP ang kanilang pagbabantay sa mga komunidad upang masawata ang iligal na aktibidad.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: ,