Ilang kumpanya ng langis, nagrollback sa presyo ng produktong petrolyo

by Radyo La Verdad | January 12, 2016 (Tuesday) | 997

ITEM_PETRON
Nagpatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis.

Epektibo kaninang alas dose uno ng madaling araw, 70-centavos ang tinapyas sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene ng kumpanyang Petron, Seaoil at Flying V.

15-centavos naman ang bawas-presyo sa bawat litro ng gasolina ng Petron habang 10-centavos naman ang sa Seaoil at Flying V.

Alas sais naman ng umaga nagrollback ang PTT Philippines, Phoenix Petroleum at Shell ng 70-centavos sa kada litro ng diesel ay 10-centavos sa gasolina.

Samantalang ang Shell ay may 70-centavos na rollback sa presyo ng bawat litro ng kerosene.

Tags: , , , ,