Ilang kumpanya ng langis, nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo

by Radyo La Verdad | February 9, 2016 (Tuesday) | 1176

ITEM_PETRON
Nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Tumaas ng nobenta y singko sentimos ang kada litro ng diesel ng Caltex, Petron, Shell, Flying V at Seaoil habang piso at limang sentimos naman sa kerosene.

Ngunit nagrollback naman ang mga ito ng pitumpung sentimo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Ang Unioil at PTT Philippines naman ay nagpatupad rin ng kaparehong price adjustment maliban sa presyo ng kerosene.

Samantala una nang nagpahayag ang grupo ng mga jeepney operator na kung magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng halaga ng diesel ay mapipilitan silang bawiin ang ipinatutupad na voluntary fare rollback.

Tags: , , , ,