Nagpatupad ng rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.
4-pesos and 30-centavos ang nabawas sa kada kilo ng Solane LPG.
Ang Gasul at Fiesta LPG naman ay nagrollback ng 4-pesos and 85-centavos o katumbas ng 53-pesos sa kada 11-kilogram na tanke ng LPG.
Bukod dito, may mahigit dalawang piso rin na bawas presyo ang petron sa kanilang Xtend Auto-LPG.
Tags: bawas presyo, kumpanya ng langis, LPG