Ilang kumpanya ng langis, may rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw

by Radyo La Verdad | May 8, 2018 (Tuesday) | 2822

Epektibo alas sais ng umaga ay magpapatupad ng rollback sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis.

Trenta sentimos ang mababawas sa halaga kada litro ng gasolina at diesel ng Petron, Shell, Flying V at Seaoil. Habang sixty centavos naman sa kerosene.

Kaparehong presyo rin ang ibababa ng halaga kada litro ng gasolina at diesel ng Unioil, Total, Jetti at Eastern Petroleum, PTT Philippines at Phoenix Petroelum.

Ngunit wala naman magiging paggalaw sa presyo ng kanilang kerosene.

Tags: , ,