Ilang kumpanya ng langis, may dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw

by Radyo La Verdad | October 17, 2017 (Tuesday) | 3574

Mayroong dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Epektibo alas sais ng umaga ay ipinatupad ng Shell, Petron, Caltex at Seaoil ang dalawampung sentimong dagdag-singil sa kada litro ng gasoline.

May bawas naman ng kinse sentimos ang kerosene habang walang magiging paggalaw sa presyo ng diesel.

Kaparehong dagdag-presyo rin sa gasolina ang ipatutupad ng Total, Unioil, Jetti, Eastern Petroleum, PTT Philippines at Phoenix Petroleum.

Wala namang magiging paggalaw sa presyo ng kanilang kerosene at diesel.

Ang oil price adjustment ay bunga pa rin ng paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Tags: , ,