Ilang kumpanya ng langis, magpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw

by Radyo La Verdad | June 12, 2018 (Tuesday) | 3183

Pagkatapos ang sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, magpapatupad naman ngayong araw ng rollback ang ilang kumpanya ng langis.

Epektibo alas sais ng umaga ay magkakaroon ng 55 sentimo na bawas sa presyo kada litro ng gasolina ang Petron, Shell, Caltex, Flying V at Seaoil.

60 sentimo kada litro naman ang mababawas sa halaga ng diesel at kerosene.

Kaparehong halaga rin ang mababawas sa gasolina at diesel ng Jetti Petroleum, PTT Philippiness, Eastern Petroleum, Total at Phoenix Petroleum subalit wala namang mababawas sa kanilang kerosene.

Ang oil price rollback ay bunga pa rin ng paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Pagkatapos ang sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, magpapatupad naman ngayong araw ng rollback ang ilang kumpanya ng langis.

 

 

Tags: , ,