Ilang kalsada sa Maynila, sinimulan nang isara dahil sa isasagawang Traslacion bukas

by Radyo La Verdad | January 8, 2018 (Monday) | 3075

Nagsimula nang isara ang ilang kalsada sa Maynila para sa isasagawang Traslacion bukas. Simula ala una kahapon, sarado na ang southbound lane ng Quezon Boulevard mula A. Mendoza hanggang Plaza Miranda.

Gayundin ang eastbound lane ng C.M Rector mula Rizal Ave. hanggang S.H. Loyola street at ang westbound lane ng España Boulevard mula P. Campa hanggang Lerma Street.

Mamayang alas diyes ng gabi naman nakatakdang isara ang katigbak at South Drive, northbound lane ng Quezon at Mc. Arthur bridge, gayundin ang Taft Avenue mula Ayala Boulevard hanggang Bonifacio Shrine.

Sa mga light vehicle na babagtas sana ng Bonifacio Drive at Roxas Boulevard, maaaring dumaan Anda Circle patungong a. Soriano Avenue, kumanan sa Gen. Luna street patungong Burgos-Orosa street, kumaliwa sa TM Kalaw patungong Taft Avenue hanggang sa inyong destinasyon.

Ang mga truck at iba pang malalaking sasakyan ay maaari ring dumaan sa Anda Circle papuntang northbound lane ng Road 10 patungong C3 hanggang sa inyong destinasyon.

Ang mga manggagaling naman ng southern part ng Manila, maaaring kumanan sa TM Kalaw street, kaliwa sa Orosa patungong Intramuros at kaliwa papuntang A. Soriano Avenue hanggang ang mga daraan naman sa P. Burgos street ay maaaring kumanan sa finance road patungong Ayala Avenue, habang ang mga babagtas naman sa Taft Avenue northbound ay pinapayuhang kumanan sa Ayala Boulevard patungo sa inyong destinasyon.

Pagsapit naman ng hatinggabi ng Martes ay isasara na ang Mc. Arthur bridge, Jones at Quezon bridge.

Gayundin ang Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang TM Kalaw street at ang magkabilang lane ng Quezon Boulevard.

Sa mga manggagaling ng Quezon City, kumanan lamang sa P. Campa street, kaliwa sa A. Mendoza Street, kanan sa Fugoso street, kanan muli sa C.M. Recto Avenue o kaliwa naman kung sa Nicanor Reyes street.

Sa mga sasakyang mula sa Legarda street, maaaring kumanan sa CM Rector o kaliwa naman kung sa Mendiola street. Kung kayo naman ay galing ng Caloocan, maaaring kumanan sa Fugoso street o kaya sa CM Recto.

Ang mga malalaking sasakyan naman tulad ng mga cargo truck ay maaaring dumaan sa Pres. Osmeña papuntang Pres. Quirino Avenue patungong Nagtahan bridge via Ah Lacson Avenue to Capulong street.

Lahat ng mga bus naman na magmumula sa Reina Regente street at nasa southbound lane ay kumanan sa San Fernando street o kaya naman ay mag-u turn sa Plaza Ruiz.

Habang ang mga light vehicle naman ay maaaring dumaan sa anda circle going to Delpan or Moriones.

Batay sa inilabas na traffic advisory, ang mga isinarang kalsada ay agad na bubuksan sa oras na makadaan na ang dulo ng prusisyon

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,