MANILA, Philippines – Simula kahapon ay isinara na sa mga motorista
ang ilang kalsada sa Maynila para sa taunang prusisyon sa Quiapo.
Ayon sa Manila Police District Traffic Enforcement Unit kabilang sa mga
saradong kalsada ang Katigbak Drive, South Drive at Independence Road sa Manila. Sa mga sasakyan na galing sa A.Bonifacio,
pwedeng dumiretso na sa Roxas Boulevard. Ang mga manggagaling naman sa TM Kalaw
at Roxas Boulevard, pwede pa ring dumaan sa kahabaan ng Roxas Boulevard patungo
sa destinasyon.
Kung magtutungo naman sa H2O Hotel, maglalaan ng isang lane sa Katigbak Road
para sa mga sasakyan. Sarado naman ang
mas maraming kalsada sa araw ng Miyerkules simula alas-12:00 ng madaling araw
kabilang na ang buong Mac Arthur, Jones at Quezon Bridge.
Katigbak Drive hanggang TM Kalaw sa Roxas Boulevard at ang magkabilang lane ng
Quezon Boulevard sa paligid ng Quiapo Church sa Maynila.
Samantala, nakahanda na rin ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para
masiguradong magiging payapa ang prusisyon sa Miyerkules. Posible na muling
patayin ang cellphone signal sa Quiapo area gaya noong nakaraang taon upang
hindi ito magamit ng masasamang loob.
Tags: nazareno, Philippine National Police, Philippine National Police Highway Patrol Group, Traslacion, traslacion 2019