Ilang kalsada sa Maynila isasara simula Mamayang Gabi (Oct. 31)

by Erika Endraca | October 31, 2019 (Thursday) | 19132

METRO MANILA, Epektibo simula mamayang ng alas-10 ng gabi October 31 hanggang November 3 ay ilang kalsada ang isasara sa Maynila.

Batay sa abiso ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit, sarado ang Aurora Boulevard mula Dimasalang hangang Rizal Avenue. Sarado rin ang Dimasalang mula makiling hanggang Blumentritt. Ganoon din ang bahagi ng P.Guevarra, Blumentritt, Retiro at Leonor Rivera.

Nagtalaga naman ng mga lugar kung saan maaring pumarada ang mga papunta ng Manila North Cemetery. Ito ay sa kahabaan ng craig Street, Sulu, Simon, Oroquieta, Felix Huertas  at Metrica Street.

Samantala, ang mga PUJ galing Rizal Avenue/Blumentritt ay dadaan sa Cavite kanan Sa Leonor Rivera o Isagani kanan sa Antipolo papunta sa point of destination.

Ang mga PUJ galing Amoranto Street sa Quezon City ay kakanan sa Calavite kanan sa Bonifacio patungo sa Kamilang. Habang ang mga PUJ galing dimasalang ay kakanan sa makiling kanan sa Maceda papuntang point of destination.

Bawal namang pumarada sa Retiro-Blumentritt and Aurora/Blumentritt to Bonifacio Avenue hanggang Laong-Laan, Dimasalang Mula North Cemetery Gate Hanggang Makiling Laong-Laan (Bulaklakan)-Don Castillas, Don Quijote at Maria Clara,Carol, at Aragon.

Bawal na ring maglinis ng puntod kaya hindi na pinapayagang ipasok ang mga pintura. Mayroon namang nakalaan na wheelchair at e-trike na naghahatid sa mga senior citizen at may kapansanan na papasok ng sementeryo.

(Bernard Dadis | UNTV News)

Tags: ,