Ilang flood control project sa Metro Manila, inaasahang matatapos sa 2016– DPWH

by Radyo La Verdad | September 8, 2015 (Tuesday) | 3876

DWPH-SEC-SINGSON
Iprinisinta ngayong araw ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa Senado ang mga flood control project nareresolba sa problema ng pagbaha sa Metro Manila at karatig lugar.

Kabilang dito ang pag-aalis ng mga informal settler sa mga coastal area, at sa paggawa ng manmade drainage systems.

Isa sa mga manmade drainage na kasalukuyang ginagawa ay ang Blumentritt interceptor catchment area na mula Blumentritt hanggang Tondo.

Isa pang katulad na drainage system ang kasalukuyang ginagawa sa Mandaluyong.

Inaasahang matatapos ang mga naturang proyekto sa 2016.

Sa panukalang 2016 budget ng DPWH na umaabot ng 357 billion pesos, 59.84 billion pesos nito ay para sa ibat ibang flood control projects ng DPWH. (Darlene Basingan / UNTV News)

Tags: