Ilang flights papunta at paalis ng Cauyan, Isabela at Basco, Batanes, kanselado dahil sa sama ng panahon

by Radyo La Verdad | October 31, 2018 (Wednesday) | 3602

Kanselado ang ilang byahe ng eroplano papunta at paalis ng Cauyan, Isabela at Basco, Batanes ngayong araw dahil pa rin sa sama ng panahon dala ng Bagyong Rosita.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang byahe ng Cebu Facific Flight 5J 196 na Manila to Cauayan at Flight 5J 197 Cauyan to Manila.

Gayundin ang Skyjet Flight M8 816 Manila to Basco at M8 817 Basco to Manila.

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline company para sa rebooking o refund ng kanilang ticket.

Tags: , ,