Ilang field offices ng DSWD, naka-alerto na sa epekto ng bagyong ‘Goring’

by Radyo La Verdad | August 25, 2023 (Friday) | 4951

METRO MANILA – Inatasan na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang ilan sa kanilang regional offices na magsagawa ng inventory sa kanilang relief goods bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Goring.

Kabilang sa inalerto ng kalihim ang kanilang field offices sa Cagayan Valley, Bicol at Calabarzon regions.

Ayon sa kalihim dapat masiguro na mayroong sapat na stock ng mga relief item na kakailanganin ng ating mga kababayan na posibleng ilikas dahil sa banta ng bagyo.

Base sa report ng Philippine Weather Bureau PAGASA, inaasahang lalakas pa ang bagyong Goring sa mga susunod na araw na posible ring magdala ng malalakas na pag-ulan.


Tags: