Ilang establisyimento na responsable sa pagdumi ng Manila Bay, posibleng ipasara ng DENR sa susunod na Linggo

by Radyo La Verdad | April 9, 2019 (Tuesday) | 7290

Metro, Manila Philippines – Balak ipasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa susunod na linggo ang mga establisyimentong nakitaan ng paglabag at responsable sa pagdumi ng Manila bay.

Nadiskubre ang isang kahina-hinalang bagay sa pampang habang naghuhukay ang isang excavator operator, kaya’t isang bomba ang nadala ng kaniyang equipment

“Noong pagdakot po namin, pag-angat po ng bucket nakita ko po iyong parang ano ng bote.  Nung nakita ko ang nilapitan ko iyong tanso. Paghipo ko medyo gumalaw, sabi ko oy bomba ‘to ah. Binuhusan namin ng tubig iyon talagang bomba na tumawag kami ng bomb squad” tinig ni Excavator operator Rodolfo escalera

Itinurnover naman kaagad sa explosives ordinance division ng Manila police district ang naturang bomba.

“This is a vintage bomb. For what i heard world war 2 bomb pa ito. And no worries, first ang atin pong manila police district ay inaksyunan naman kaagad ng explosives ordinance division nila na talagang safely nadala naman sa manila police district” pahayag ni DENR Benny Antiporda.

Sa gitna ng patuloy na rehabilitasyon ng DENR, binabalak na rin nitong ipasara ang ilang establisyimiyentong nakitaan ng paglabag at nagiging sanhi ng patuloy na pagdumi ng Manila bay..

“Well mayroon kaming mga nakitang mga hotels, restaurants, basically karamihan restaurants talaga iyong clean water act. Iyon ang unang unang violation nila wherein iyong inilalabas nila from their establishment” ani DENR Benny Antiporda .

Samantala, isang swimmable area o lugar na ma-aari nang languyan na bahagi ng Manila bay ang natukoy na rin ng ahensya sa Mariveles, Bataan

Tinatayang nasa 100 to 200 most probable number (MPN) na lamang ang coliform level sa naturang lugar na angkop nang paliguan batay sa report na kanilang natanggap.

Matatandaan niyo na nasabi natin dito sa denr na within 6 months to 1 year eh meron tayong magiging swimmable area ” ayon kay DENR Benny Antiporda

Paalala ng denr bagaman posible nang malanguyan ang bahaging iyon sa bataan hindi pa rin ligtas na lumangoy sa Manila bay sa may bahagi ng Roxas Boulevard.

Enero ngayong taon nang umpisahan ang mabusising paglilinis sa pampang at pagbabawal sa mga bumubisita na maligo doon.

Habang patuloy pa rin ang pagsasagawa ng dredging and desilting operations at paglilinis sa mga esterong pumapaligid sa ilalim ng Manila bay rehabilitation.

(Mai Bermudez | Untv News)

Tags: ,