MANILA, Philippines – Dumadaing ang ilang driver at conductor ng City Buses dahil malaki ang nababawas sa kanilang kinikita bunsod ng lumalalang traffic sa Metro Manila.
Samantala, noong nakaraang taon pinagtibay ng korte suprema ang kautusan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa pagpapatupad ng fixed salary sa mga bus driver.
Layon niyaon na mabigyan ng tamang kompensasyon at benepisyo ang mga bus at upang maiwasan na rin ang aksidente na dulot ng pag-uunahan nila sa kalsada upang makakuha ng mga pasahero.
Subalit may ilan pa rin ang hindi sumusunod at commission basis pa rin ang sistema ng pagpapasweldo.
Samantala, nauna nang ipinaliwanag ng MMDA, na kinakailangan nilang disiplinahin ang mga city bus sa yellow lane upang hindi mabarahan ang private lane.pero iginiit ng mmda na hindi iyon nangangahulugan na sila’y anti-commuter.
“Ang problema kung pagbigyan namin yung mga city buses na bumaba hindi namin yan mapipigilan na lumipat sa 5th lane 4th lane mapupuno po yan i tell you hindi po ganun kadisiplinado ang mga city bus driver” ani MMDA Edsa Traffic Chief Colonel Edison” Bong” Nebrija.
(Joan Nano | Untv News)