Ilang byahe ng eroplano patungong Northern Luzon, kanselado na

by Radyo La Verdad | October 30, 2018 (Tuesday) | 2763

Kanselado na rin ang byahe ng ilang eroplano patungo at mula sa ilang lugar sa Northern Luzon dahil sa Bagyong Rosita.

Sa abisong inilabas ng pamunuan ng Philippine Airlines, anim na byahe nila patungong Laoag, Clark, Basco at Cayauan ang kanselado ngayong araw.

Apat na byahe naman ng Cebu Pacific mula Maynila patungong Tuguegarao, Cauayan at Basco Batanes at pabalik ang kanselado.

Lahat ng mga apektadong pasahero ay pinapayuhang makipag-ugnayan sa opisina ng mga naturang kumpanya upang mag-avail ng rebooking at refund sa kanilang hindi nagamit na ticket sa loob ng tatlumpung araw.

 

Tags: , ,