Ilang biyahe ng PAL, kanselado bukas, Abril 5

by dennis | April 4, 2015 (Saturday) | 1538

IMAGE_UNTV-News_JULY112013_Photoville-International_Philippine-Air-Lines_Air-Plane

Kanselado ang ilang flights ng Philippine Airlines bukas, ika-5 ng Abril dahil sa sama ng panahon.

Ito ay ang PR-2014 na may biyaheng Manila patungong Tuguegarao, PR-2015 Tuguegarao patungong Manila, PR-2196 Manila patungong Laoag at gayun din ang PR-2197 Laoag patungong Manila.

Pinapayuhan naman ang mga apektadong pasahero na maari mag-rebook sa loob ng 30 mula sa kanilang original flight date. Ayon sa PAL, hindi na pababayaran ang rebooking charges

Maari ring mag-refund ang mga pasahero ng mga kanseladong flight na walang penalty.

Para sa karagdagang impormasyon maaring tumawag sa (02)855 – 8888.

Tags: , ,