Ilang barangay sa Quezon City, maaari pa ring magpatupad ng curfew sa kabila ng TRO – Mayor Bautista

by Radyo La Verdad | July 27, 2016 (Wednesday) | 3472

MAYOR-BAUTISTA
Ipinatutupad pa rin ng Quezon City Government ang curfew hours sa kabila ng ibinabang temporary restraining order ng Korte Suprema.

Sa panayam ng programang Get It Straight with Daniel Razon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, sinabi nito na hanggat hindi pa nila nakukuha ang kopya ng TRO ay tuloy pa rin ang pagpapatupad sa ordinansa.

Subalit ayon sa alkalde, hindi sakop ng TRO ang ilang barangay sa Quezon City na may sariling barangay ordinance sa curfew hours.

Ngayong araw ay magpupulong ang city government upang alamin kung ilang barangay ang hindi sakop ng TRO ng Korte Suprema.

Tags: , , ,