Ilang barangay captain sa Ozamiz City, isinuko sa PNP ang mga armas na ipinatago umano sa kanila ng mga Parojinog

by Radyo La Verdad | August 3, 2017 (Thursday) | 2509

Naglibot sa iba’t ibang barangay sa Ozamiz City kahapon ang ilang tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group.

Ito ay upang kolektahin sa mga barangay captain na kaalyado ng pamilya Parajinog ang mga armas na ipinatago umano ng mga ito.

Ayon kay Police Chief Inspector Jovie Espenido, nasa 10 hanggang 15 porsyento na lamang ng operasyon sa iligal na droga ng mga Parojinog ang aktibo

Bukod sa illegal drug trade pinasok din ng mga ito ang robbery at kidnap for ransom.

Sa ngayon, patuloy na pinaghahanap ng Ozamiz Police si Councilor Ricardo Parojinog, ang kapatid ng napaslang na si Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Isa ito sa mga target ng operasyon ng PNP CIDG noong linggo ng umaga.

 

(Weng Fernandez / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,