Mahigit sa isang daang British soldiers ang idineploy upang tumulong sa emergency services sa mga lugar na apektado ng matinding pagbaha sa West Yorkshire sa Northern England.
Maraming mga sasakyan ang nalubog sa tubig baha matapos umapaw ang mga ilog doon.
Daan daang pamilya narin ang inilikas sa bayan ng York.
Sa loob lamang ng ilang araw, aabot sa isang buwang ulan ang ibinuhos sa mga siyudad ng Manchester, Rochdale at Leeds.
Nangako na si Prime Minister David Cameron ng karagdagang tulong sa mga apektadong lugar.
Nabatid na daan daang flood warnings rin ang nanatiling nakataas kabilang na ang dalawamput apat na severe warnings.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang assessment ng mga otoridad sa halaga ng pinsalang idinulot ng matinding pagbaha.
Tags: daan daang pamilya, ilang bahagi, inilikas, Northern England, tubig baha