Ilang bahagi ng Maynila at Muntinlupa City, mawawalan ng supply ng kuryente

by Radyo La Verdad | April 11, 2017 (Tuesday) | 5645


Mawawalan ng supply ng kuryente ang ilang bahagi ng Maynila at Muntinlupa City ngayong araw hanggang bukas.

Sa abiso ng MERALCO, apektado ng ipatutupad na power interruption mamayang alas onse ng gabi hanggang alas cuatro ng madaling bukas ang bahagi ng national highway mula sa Calle Nuevo Street hanggang sa bahagi ng Lyceum of Alabang sa Barangay Tunasan, Muntinlupa.

Dakong alas onse y medya naman ng gabi hanggang alas cuatro y medya ng madaling araw inaasahang mawawalan ng kuryente ang Philippine Columbian Association Compound sa may Plaza Dilao Road sa Paco, Manila.

Ang power interruption ay dahil sa nakatakdang maintenance ng MERALCO.

Tags: , , ,

Dagdag-singil sa kuryente, nakaamba sa susunod na buwan

by Radyo La Verdad | March 14, 2023 (Tuesday) | 6010

METRO MANILA – Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na masasapatan ang demand sa kuryente pero posibleng may dagdag-singil.

Isa sa naging problema ng ahensya ang kawalan na nasa 1,200 megawatts kaya nagkaroon ng maraming limitasyon ang kagawaran upang maserbisyuhan ang publiko.

Dagdag ng DOE, nagsimula ito noong June 2022 bago pa umupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang presidente ngunit mariin ding iginiit ng kagawaran na simula ng Marcos administration ay hindi nagkaroon ng brownout bunsod ng kawalan ng suplay ng kuryente.

Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, malaki ang tulong ng mga Liquefied Natural Gas (LNG) sa pag-supply ng kuryente kaya aniya, kung may mga pribadong sektor na nais magtayo pa ng mga planta ay mas maraming mga Pilipino ang makikinabang dito.

Ilan sa mga paraan upang makatipid sa pagkonsumo ang pagpatay ng electric fan kung hindi ginagamit

Gayundin ang pagpatay ng ilaw sa umaga at kung walang tao.

Mahalaga rin ang pagsara ng mga refrigerator at ang palagiang pag-defrost nito.

Sikapin din ang paggamit ng plantsa ng isahan at ang pagu-una ng mga makakapal at mabibigat na damit upang ang natitirang init ay lubos na magamit.

At ang pagpatay ng mga electric appliances tulad ng telebisyon kung wala namang nanonood.

(Bernadette Tinoy | UNTV News)

Tags: ,

Mga tradisyon ngayong darating na long holiday, ipagbabawal sa buong Maynila mula Marso 28-Abril 4

by Erika Endraca | March 19, 2021 (Friday) | 52640

METRO MANILA – Ipagbabawal ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga tradisyong Katoliko sa Semana Santa mula Marso 28 hanggang Abril 4 ngayong taon dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa ilalim ng Executive Order No. 9 na nilagdaan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, mahigpit na ipinagbabawal ang pabasa, senakulo, Visita Iglesia, prusisyon at iba pang mga pagtitipon sa darating na holiday season.

Alinsunod sa mga regulasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ay ipatutupad din ang liquor ban, curfew hours, physical distancing at pagsusuot ng face mask at face shield.

Humingi naman ng paumanhin ang alkalde at nagbigay ng payo sa mga residente ng naturamg lungsod.

“Magnilay-nilay po tayo sa ating sari-sariling mga tahanan. Magdasal po tayo kasama ang ating pamilya, at humingi ng awa sa Diyos na matapos na sana ang pandemyang ito,” ang pahayag ni Mayor Isko Moreno Domagoso.

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Tags: ,

2 barangay at mga hotel sa Maynila isinailalim sa lockdown ni Manila Mayor Isko Moreno

by Erika Endraca | March 10, 2021 (Wednesday) | 44515

METRO MANILA – Isinailalim ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso nitong Martes (March 9), ang dalawang barangay at ilang mga hotel sa 4 na araw na lockdown dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Pinirmahan ng alkalde ang Executive Order No. 06 na naglalayong mas paigitingin pa ang contact tracing, disease surveillance at COVID Testing bilang responde sa pagkalat ng virus sa Barangay 351 at 725.

Magsisimula ang lockdown ngayong Huwebes, March 11 – 12:01 ngmadaling araw hanggang sa Linggo, March 14, 11:59 ng gabi.

Ayon sa datos ng Manila Health Department, umabot na sa 12 kasong active cases ang naitala sa Barangay 351 at 14 na active cases naman sa Barangay 725.

Kaugnay nito, isasailalim din sa lockdown ang 2 hotel sa Barangay 699 na nakapagtala ng 17 active cases. 14 dito ay mula sa Malate Bayview Mansion at 3 naman sa Hop Inn Hotel.

Inirekomenda din ng MHD na ideklara at isailalim ang mga nasabing barangay sa “Critical Zones” na kung saan ay Enhance Community Quarantine (ECQ) guidelines ang paiiralin.

Ayon kay Domagoso, ang mga residente ng mga nasabing barangay ay mananatili sa kanilang mga tahanan at hindi maaaring lumabas.

Papayagan lamang ang mga health workers, military personnel, service, utility workers, essential workers, mga barangay at mga media personnel na accredited ng Presidential Communications Operations Office at Inter-Agency Task Force.

Sa datos ng MHD, mayroong 154 na active cases ang naidagdag kahapon (March 9) at pumalo na sa 988 na aktibong kaso ang naitatala ng lungsod.

Kaugnay nito ay 74 na ang mga gumaling at 2 ang namatay ngayong araw. Sa kabuuan, 27,639 na ang naitalang gumaling at 817 dito ang nasawi.

(Jasper Barangan | La Verdad Correspondent)

Tags: ,

More News