Nasermonan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ilang bus driver nang mag-inspeksyon ang ahensya sa ilang bus terminal sa Cubao, Quezon City kaninang umaga.
Kasama ng LTFRB sa pag-iikot ang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO), Inter-agency Council for Traffic o iACT, MMDA at maging ang Philippine National Police (PNP).
Tatlong bus ang nahuling lumabag sa ilang batas gaya pagbyahe labas sa ruta nito at isang bus naman ang halos hindi makita ang plate number.
Ayon sa LTFRB, kailangan may CCTV, dash cam, at GPS ang bawat bus na bibyahe.
Nagpaalala din ang LTFRB na kailangan may karelyebo ang mga driver kapag mahigit sa anim na oras ang byahe.
( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )
Tags: LTFRB, PNP, Quezon City