Ilan pang kumpanya ng langis, may bawas-presyo sa LPG

by Radyo La Verdad | March 2, 2017 (Thursday) | 1899


Nagpatupad na rin ng rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.

Epektibo kaninang ala-sais ng umaga, binawasan ng Eastern Petroleum ng 35-centavos ang kada kilo ng kanilang E-C gas LPG o katumbas ng three pesos and 85-centavos sa kada 11-kilogram na tangke.

Una nang nagpatupad kahapon ng kaparehong rollback sa Gasul at Fiesta gas ang Petron.

Samantala 32-centavos naman kada kilo o three pesos and 52-centavos sa kada 11-kilogram na tangke naman ang ibinawas ng Shell sa presyo ng Solane LPG.

Tags: , , ,