Ikalawang kaso ng MERS naitala sa Thailand

by Radyo La Verdad | January 25, 2016 (Monday) | 902
health ministry ng Thailand(REUTERS)

health ministry ng Thailand(REUTERS)

Kinumpirma ng Thai Health Officials na positibo sa Middle East Respiratory Syndrome o MERSCoV ang isang Omani na naka-quarantine sa Bangkok hospital.

Ayon sa health ministry ng Thailand, sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang mga ito sa mga nakasalamuha ng 71-anyos na lalaki na dumating sa Thailand noong Biyernes.

Tinatayang nasa 250 indibidwal ang nakasalamuha ng Omani national.

Ito na ang ikalawang kaso ng virus sa Thailand na binibisita ng milyong katao kada taon.