Ika-15 People’s Day, kasado na bukas

by dennis | April 16, 2015 (Thursday) | 1264

Photo courtesy of Photoville International

Photo courtesy of Photoville International


Inaasahan na muling dadayuhin ng ating mga kababayan ang gaganaping People’s Day bukas sa Bangkulasi Elementary School sa Navotas City. Magbubukas ang registration ala-6:00 ng umaga at magtatapos ito ng alas-10:00am.

Kabilang pa rin sa mga serbisyong hatid ng UNTV ang free massage at haircut mula sa Civil Military Operations Batallion ng National Capital Region sa pakikipagtulungan ng I-Learn Center. Andyan din ang PhilHealth at Social Security System (SSS) para sa kanilang seminar, membership registration at consultation.

Samantala, para naman sa ating mga kababayan sa Brgy. 861, Zone 94, Pandacan, Manila, kanselado ang People’s Day sa susunod na Biyernes, ika-24 ng Abril. Antabay lamang sa susunod na announcement.(Rome Travallo/UNTV Action Center)