Ibinebentang durian candies sa Zamboanga City, ipinakukumpiska ng City Health Office

by dennis | July 14, 2015 (Tuesday) | 2253

viber image11

Nagbigay ng mandato ang City Health Office ng Zamboanga na kumpiskahin ang lahat ng ibinebentang durian candies sa siyudad partikular ang may tatak na Wendys Durian Candy na nakalason umano sa mahigit 1,900 sa CARAGA region noong Biyernes.

Nakiusap din ang City Health Office sa mga nagbebenta ng naturang produkto na bulontaryo na lamang itong i-turnover sa kanilang tanggapan upang makaiwas sa anomang insidente gaya ng nangyari sa CARAGA region.

Pinangungunahan ng mga field worker at sanitary inspector ang pag-iikot sa iba’t-ibang lugar sa syudad at pagkumpiska sa mga naturang candy.(Dante Amento/UNTV Zamboanga City)