Patuloy ang pagdating ng tulong para sa mga biktima ng lindol sa Kanangga Leyte at Ormoc City.
Hanggang ngayon, nakatira pa rin ang mga naapektuhan ng lindol sa mga tent. Upang maibsan ang problema sa tubig, nagbigay ang Tacruo Tacloban City Rescue. Units ng mga mineral water at container sa evacuation center sa Kanangga, Leyte.
Namahagi rin mga produktong saging , gulay at root crops ng region 8 alliance of farmers, fisherfolks, Women and Youth Association ng Ormoc.
Namigay rin ng mga relief goods , hygiene kits at solar lamps sa tent city ang mga pribadong organisasyon sa Brgy. Lake Danao, Cabaon-an at Tongonan.
Tags: Kanangga, Ormoc City, tulong