Iba pang mass transport services, dapat tularan ang voluntary fare cut ng transport groups- Sen. Guingona

by Radyo La Verdad | January 22, 2016 (Friday) | 1016

JEEP
Epektibo na ngayong araw ang pagpapatupad ng seven-peso minimum fare sa mga pampasaherong jeep dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.

Kasunod nito, iminungkahi ni Senator Teofisto Guingona The Third na dapat magkaroon din ng bawas singil ang iba pang mass transport services tulad ng bus at mga taxi.

Ayon sa senador, dapat kilalanin ang ginawa ng mga transport group na boluntaryong pag-rollback sa pasahe.

Aniya, ang ganitong inisyatiba ay susi para sa kaginhawaan ng publiko.

Tags: , , ,