Huling araw ng voters’ registration para 2019 elections, dinagsa

by Radyo La Verdad | October 1, 2018 (Monday) | 3762

Sa kabila ng matinding init ay dumagsa ang mga kababayan nating humabol sa huling araw ng registration sa para sa 2019 midterm election noong Sabado, tulad na lamang sa ilang registration offices sa Quezon City at Maynila.

Sa Davao City, inireklamo naman ng ilang mga nagpaparehistro ang umano’y magulong sistema.

Depensa naman ng Comelec officials, matagal nang nagsimula ang registration at sapat na ang panahon na ibinigay nila sa mga botante.

Sa assessment naman ng Manila District 3 Election Office, mapayapa naman ang kabuuan ng registration period.

Malaki rin anila ang ibinilis ng proseso ng pagpaparehistro ng mga botante bagaman mahaba ang pila kapag huling araw ng pagpapatala.

Sa pinakahuling ulat ng Commission on Elections, umabot na sa mahigit isang milyon ang mga bagong botante ang nakakapag- parehistro para sa midterm election sa May 2019.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, madaragdagan pa ang bilang ng mga ito dahil kasalukyan pa nilang kinokolekta ang ulat mula sa mga Comelec registration offices sa bansa.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

Tags: , ,